Ton Ton Thai Massage

Isa sa mga bagay na naeenjoy ko ay massage! Since yung mom ko ay mahilig magmassage, sumasama/isinasama narin ako. Sa isang Bangkok trip na kasama ako ay nagtry kami ng Thai Massage, at doon ko talaga na-feel na yung ang best type of massage for me :)

Ang thai massage ay mostly stretching tapos feeling ko tintrace at naglalagay sila ng pressure sa major blood vessels for circulation. Pressure kung pressure talaga! Ang sarap! Well buti na lang meron dito sa Pilipinas na Thai massage at feeling ko naman ay authentic siya hehe. Medyo may proliferation na rin ng massage places dito at sa mga natry ko, nirerecommend ko ang place na ito :)



Why You’ll Love It:
* “clean straight dry massage”. Yun ang tagline nila hehe. Dry massage siya (walang lotion or oils) so walang sticky icky feeling after kapag lumabas ka na sa place nila.

* Sobrang refreshing talaga ng well-stretched body (oo malalakas yung massage therapists nila kahit maliliit na mga babae) tapos nafifeel ko talaga na parang nagkclear-up ang circulation during the massage.

* Affordable! May promo sila na P250 lang kapag 12pm-6pm. P350 ang regular rate nila ng whole body massage for 1 hour.

* Courteous ang mga massage therapists.

* May clock sa bawat bed area kaya sure ka talaga na 1 hour yun.

* Hindi ka hubad during the massage. May pinprovide sila na pajamas kung saan magpapalit ka muna bago magstart yung session.

Price range: P250 (12nn-6pm)/P350 (6pm onwards) everyday (As of June 2010)

Some Caution:
* Wag magexpect ng high-end spa place. Pero well, ganito rin naman kasi talaga kahit sa Bangkok, mas nakakatakot pa dun hehe. Yung massage area ay tatami mats with flat beds tapos yung “rooms” ay separated with curtains. Maganda naman ang ganitong setup para sa mga magpapamassage na group of friends kasi magkakakitaan pa kayo :)

* Baka magworry kayo sa security ng gamit. Meron silang locker sa bawat room pero may iba na walang lock. Para maging sure kayo sa safety ng gamit, dala narin ng mini-padlocks.

* Parking ay variable din. 2 branch na napuntahan ko, T. Morato pati Annapolis Greenhills tapos usually puno yung harap na parking nila. Meron naman sa katabing mga street kasi busy area naman yung mga yun.

Where to Find It:
TonTon T.Morato Branch (beside Chowking sa Timog/Morato Circle)
TonTon Annapolis Branch Tel # 722-1227 (kung galing EDSA, right sa Annapolis, tapos malapit lang siya dun, may malaking sign ng TonTon sa right side)

Other Branches pero di ko pa natry (search TonTon sa clickthecity.com or meron akong leaflet contact nyo nalang ako hehe :p)
Congressional, East Ave-V. Luna Road, Banawe, New Manila, Libis, Las Pinas, BF Homes, Subic, Tagaytay,  Cebu, Bacolod

P.S. I suggest tumawag beforehand para makapagpareserve ng slots lalo kung marami kayo. pero pwede din naman ang walk-ins :)

* image galing dito